September 7th, 2009
RE-POST. Miss it much. :)
Ang tula na inyong mababasa ay isinulat ni Tere, the shoe shine girl from Recto. Ang paborito niyong mangtataho ng balot sa bawat sulok ng planetang Pluto.
"Si Inday"
Wala ka na bang ibang alam gawin,
maliban sa tumingin ng tumingin?
Maari ba kitang lapitan at tanungin,
kung sino ka at saan ka nanggaling?
Nakatitig ka nga bang talaga sa aking kinakain?
Alin ang gusto mo, yung ulam o yung kanin?
May hawak ka pa man ding manga,
at talagang ako'y iyong napapatawa.
Paano ka kakain niyan ng walang bagoong?
Paumanhin, subalit hindi 'yan isang talong.
Oh, bakit ka biglang napangiti?
Natutuwa ka ba na ika'y naglilihi?
Bakit ka ba napadpad rito,
may dinadalaw ka bang tao?
At may mga kasama ka pa pala!
Isang batalyon kayo ng mga tanga.
Sumagot nga kung sino sa inyo,
ang pumatay sa aso ni Mang Pedro!
Ang bantay nang aming tahanan,
na tila nahulog mula sa kalangitan.
Wala siyang pakpak at di siya lumilipad,
subalit matalino siya at marunong maglakad.
Hindi ko lubusang maisip kung bakit siya ginapos.
Alam kong siya ay maginoo, subalit may pagka bastos.
Nagpapatrolya sa baranggay kahit tinatamad,
umiihi sa poste at rumarampang nakahubad.
Mahal na mahal siya ng aming kapitbahay,
wala silang anak at laging matamlay.
Nung isang araw sinamahan ko sila sa ospital,
tsek-up pa nga lang sila'y napagastos na ng mahal.
Malubha na daw ang kanilang sakit,
tulungan kaya sila ng Diyos nating mabait?
Para sa operasyon kailangan nila ng pera,
pero di na kumikita ang kanilang perya.
Sabi ng doktor di na magtatagal ang kanilang buhay,
ilang araw na lang hinihintay para matapos ang hukay.
Ililibing na muli namin ang mga panibagong bangkay,
tiyak na magkakapera nanaman sa sugalan si Inay.
At ako nanaman ang maaiwan upang maglinis ng tahanan.
Makikipaglaro nanaman ang mga daga sa basurahan.
Hindi ko sila hahayaang makatakas,
sa kanila ko uubusin ang aking lakas!
Hahabulin ko sila kahit saan sila tumakbo,
kahit umabot ako sa lungga kung saan sila nagtatago.
Dadaanan ko ang bawat sulok ng poso negro,
tatahakin ko ang daanan nilang madilim at mabaho.
Kaya bigla kong natandaan ang aking pagkabata,
madami akong kaibigan at palagi akong masaya.
Patay na nga nung panahon na iyon si Ninoy,
ngunit nakahanap kami ng bagong liwanag kay Pandoy.
Wala itong kinalaman sa ating gobyerno,
hindi nila kamaganak si Presidente Arroyo.
Hindi ko sadya ang mga kurakot na politiko.
Nais ko lang magsulat ng husto dito.
At ngayon ako'y magpapaalam na,
ubos na ang oras at ako'y mawawala na.
Kailangan ko nang bumalik sa aking katinuan,
bago matulog magpapalit ako ng punda ng unan.
Marahil kayo ay nagtataka kung ano'ng aking pinagsasabi.
Pasensya na po kayo, ganito lang talaga ako pag gabi.
Nung isang araw nga pala may pinakilala si Mimay,
isa siyang babae at pangalan... ay Inday.
Paalala: Hindi po ako gumamit ng ipinagbabawal na
gamot. Lalo naman pong hindi ako nasobrahan sa taho at balot. Wala din
po kaming pagkukunan ng madyik mashroom. Hindi rin naman po ako
nakakilala ng gwapong lalake ngayon sa Quantum. Nais ko lang subukan
ang aking talento. At abah, nakabuo nga ako ng kwento. By the way, I'm
not really related to Inday. I just thought of it as a nice name. Angal?